Rating Ilocos Empanadas in San Jose Del Monte-Norzagaray, Bulacan 2026

Sa ngayon, trending na trending ang Ilocos Empanada. PEro bago pa sya maging trending, matagal na akong mahilig sa pagkain na 'yan. Ito ang ilang sa mga Ilocos Empanada na masasabi kong okay sa aking panlasa na natikman ko na ngayong 2026. Tres Ilocos Empanada (Dating Jackos) Ang Tres Ilocos Empanada ay malaki ang serving. Dati siyang Jackos Ilocos Empanada at nagtitinda sila sa Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan. To be honest, masarap ang empanada nila. Malutong din ito padgating. they use Lalamove sa pagpapadeliver. Kaya lang, medyo inconsistent sa longganinsa.Siguro ang comment ko lang, medyo dapat maging consistent sa supplier yung store. FariƱas Ilocos Empanada - EB Town Center Itong Farinas, sikat siya all over the Philippines lalo na sa Metro Manila. Kaya siguro yung empanada nila, sakto lang din ang sukat. Honestly, maasim yung napunta sa akin na empanada. Sayang kasi tatlo pa naman inorder ko. Masarap sana at sakto yung timpla kaso hindi ko alam kung ganun ba talaga lasa nbg empanada nila. I was thinking na baka sinukaan na yung meat nila para hindi na siya susukaan. Masarap din siya kung hindi maasim. Maliit nga lang. Malutong din naman yung empanada nila pagdating. They use Grabfood for delivery kaya less hassle. Judy's Ilocos Empanada (Dating JL Ilocos Empanada) Itong Judy's masarap siya. To be honest, ito ang pinakamasarap sa tatlo. Nasa salty side nga lang yung meat niya. Pero malata pagdating sa akin yung empanada. Siguro kasi hindi nathaw yung empanada after cooking. Kumbaga nilagay agad sa plastic. Problema nito, yung plastic na may mainit na empanada, hindi napasingawan and matagal pa bago madeliver. Kaya medyo hindi malutong. Siguro dapat iconsider ng seller na mag-lalamove na lang ng orders kasi hindi talaga lulutong pagdating sa customer yung empanada. To be fair, lahat sila may faults, pros, and cons. Lahat naman kasi sila may faults din. Pero ito rating ko 1. Judy's - Closest na lasa sa lahat ng empanadang natikman ko from Ilocos Norte to Ilocos Sur simula bata ako. Kausapin na lang si seller na ithaw muna saglit bago lagay sa paper bag then ilalamove na lang para malutong 2. Tres - Masarap siya. Though inconsistent sa Longganisa. 3. Farinas- If hindi siya maasim, i guess okay sya. Kailangan lang din nila siguro icheck yung stocks. Minsan kasi pag tulad nitong commercial na, baka nag-ooverstock ng meat. Yun lang. This review is not paid btw. #kaperistangbroker #Philippines #renvlogsph #tastebuddyrenford #letseatpare

Comments

Popular posts from this blog

SMDC JOY Residences Baliuag, Bulacan: Affordable Urban Living and Smart Investment in One Introduction: A New Standard of Joyful Living in Baliuag

Bangus Steak: A 10-step Filipino dish for busy individuals